[LITERARY] Lapis, Boses, Pangarap

USTAC Tigercubs
3 min readMar 8, 2022

--

Isinulat ni Sofia Tan

© Dannella Faith Ferrer — Cartoonist

Parang alikabok daw akong lilipad kung saan pumaling ang hangin.

Mag-iiba pa ang aking paningin.

Sa mga bagay hindi pa ako sigurado.

Ang hirap ko daw makuntento.

Hindi mo raw dapat pinakikialaman.

Ang mga matatandang mayroong usapan.

Hindi mo na dapat pang malaman.

Tahakin mo na lang ang daan.

Kalyeng nasa harapan ay sundan.

Paano naman aking kinabukasan?

Nais niyo akong maging kapitapitagan.

Ngunit iba ang gusto niyong aking tularan.

Hindi ako papayag na makandado lang sa piitan.

Lalo na’t alam ko kung ano ang kahahantungan.

Marami pang ibang paraan.

Pero kailanga’y ako muna’y iyong pakawalan.

Malakas ang tinig kong matindig.

Mabilis ang salitang umaagos sa aking bibig.

Lumpatan ang mga pang-aamuki.

Kaya kong katbingin ang lahat ng tali.

Boses ko lang ay mabawi.

Hindi ako nagsusulat para lang sa wala.

Nais kong may mapatunayan habang ang mga paa’y nakadikit pa sa lupa.

Alam kong hindi ako mag-isa.

Datapuwa’t lahat kami’y may dalang bala.

Kargadang nag-uudyok.

Na malampasan lahat ng pagsubok.

Sigaw niyong umaalingawngaw.

Ngunit kahit kailan, hindi kami bibitaw.

Bawat diin ng tinta sa papel.

Pintura sa malawak mong mantel.

Naninikit sa bawat hibla.

Magpahayag ka.

Sa nagliliyab mong damdamin.

Huwag mong kalilimutan ang lahat ng bilin.

Nais ko lamang sabihin.

Na hindi porket maliit ay mamaliitin.

Kabataan ang magsisilbing guano.

Boses namin ang hukbo.

Sa kinabukasang inyong ipinangako.

Lapis, Boses, Pangarap.

Para sa kapisnan ako ay haharap.

THE AUTHOR

Sofia Tan

My vagabond mind always gives me letters to write.

Hi! I am Sofia Irish Tan and a Literary Writer of UST Angelicum’s Tigercubs. I like writing that’s for one. My friends describe me as a talkative and reliable friend. I am an assiduous, forbearing, and easy to approach type of person. I also like sleeping.

Reading keeps my mind sane and contented. Writing keeps me sensible and free. I have been writing ever since I can remember. I find comfort and liberty in letters. I was able to find and enhance my latent abilities and vocabulary via writing. Through several letters, it assisted me in expressing my hidden sentiments and cloudy thinking. As you may have observed, I frequently refer to my love of poetry as letters, because letters for me were the ones who gave color to the black and white world of my puzzled thoughts.

Writing sparked something within of me that I had no idea existed; it became not just a way for me to express myself, but also a way for me to improve and broaden my viewpoint. Writing, in my opinion, entails not just writing but also listening.

-S.T.

--

--

USTAC Tigercubs

The official school publication of the UST Angelicum College SHS Department. At the forefront of USTAC SHS’s publication and affairs. Vanguards of Truth.