[LITERARY] Hawak Bitaw

USTAC Tigercubs
3 min readNov 6, 2021

--

Written by Louiela Mataac

Malabo ang nakaraan,

Minsan kailangan pang balik-balikan,

Ngunit ano ba ang dapat simulan?

Sino ba ang dapat maging dahilan?

Sa paghawak ng aming mga kamay,

Pinangako ang pang habang buhay,

Ngunit bakit tila ba’y kay lantay,

Wari’y mga salita ay nawalan na ng saysay.

Kumatok sa pusong sarado,

Hindi maisip kung ano ang nagbago,

Bakit parang mahirap nang pagbuksan ng pinto?

Saang parte ba nagkamali? paano nabigo?

Minsan tila ba’y kay layo mo sa paningin,

Parang isang maliwanag na buwan kasama ang matingkad na bitwin,

Hangad na iyong mga kamay ay muling angkinin,

Kasama sa pag-abot ng ating mga hangarin.

Ano ba ang nais ng kapalaran para sa ‘tin?

Napakahilig niya talagang paglaruan ang ating mga damdamin,

Sino ba siya para sa tingin niya tayo’y balewalain?

Sabagay, wala naman ako sa posison para siya’y katunggaliin.

© Illustration by Nadine Felismino — Tigercubs Head Cartoonist

Kahit naghihingalo na ang aking tinta,

Dito sa bawat paglipat ng pahina,

At sa bawat linya ng aking mga tula,

Patuloy na ikaw ang tanging paksa.

Sa bawat kabanata, hahanapin ang ating mga ala-ala,

Susuurin ang bawat salita, pangalan mo lang ay muling mabasa.

Patuloy na isusulat ang bawat kataga,

Sisikaping marinig muli ay iyong tinig,

Huhukayin ang mga binaon mong piyesa,

At sa kanya ako’y araw-araw mananalig.

Kaya’t sa paglubog ng araw,

Hanggang sa ang buwan ay matanaw,

Walang pag-aalinlangan — bigla ka na lamang bumitaw.

Tunay nga bang sa kabilang buhay ay natagpuan na kita?

O marahil sa mundong ito ay wala ka na?

Paulit-ulit umiikot sa isipan ang katanungang kailan kaya?

Dahil unti-unti — iyong imahe ay naglalaho na parang bula.

Sana’y sa pagdating ng tamang panahon,

Kung saan ang dagat ay may kalmadong alon,

Habang mahigpit na magkakapit ang mga kamay,

Magpatangay lamang hanggang sa dulo ng agos ng buhay.

THE AUTHOR

A writer who’s somewhat grammatically conscious but the mind is constantly full of words that can’t seem to properly express.

Hi! I am Ma. Louiela Angela A. Mataac, the current Editor-in-Chief of UST Angelicum College Tigercubs. A sudden opportunity has been placed upon my hands, an opportunity I accepted sincerely. Through writing, I was able to discover my hidden skills, and develop my talent in poetry. It’s as if writing was a hidden treasure for me that was long-awaited to be found by its owner. Writing became my comfort, a way for me to express my unspoken thoughts and concealed feelings through colorful words.

It is a cliche but I am fond of reading, I like to think broadly and explore different things that would feed my curiosity. As a writer I mostly believe that it is important to listen in order to be heard, that is why I aim to be an instrument for people to emphasize their voice and opinions without misleading the readers.

This club, UST Angelicum College Tigercubs has brought out the best in me to be a proficient writer. Because of that, my goal is to also unleash the best of the writers and express their thoughts truthfully without hesitation.

-L.M.

--

--

USTAC Tigercubs
USTAC Tigercubs

Written by USTAC Tigercubs

The official school publication of the UST Angelicum College SHS Department. At the forefront of USTAC SHS’s publication and affairs. Vanguards of Truth.

No responses yet