[LITERARY] Gising ang Kabataan
Isinulat ni Louiela Mataac
Nakaangat na ang ating bandera,
Kailanman ay hindi ito muling itutumba.
Kasabay ang lubos na karangalan,
Tumingala ka sa kalangitan.
Ikaw ay parte ng kinabukasan.
Susi ka sa kalayaan.
Tulay ka para sa kaunlaran.
Tandaan mo ‘yan.
Subalit muli, nasaan ang kabataan?
Sa panahon ng lubos na kahirapan,
Tila ba’y naglaho na parang bula ang kanilang panuntunan,
Bakit biglang tumahimik ang kalawakan?
“Kabataan!” ang hinaing ng mga mamamayan.
Tanging huni ng ibon na lamang ang naririnig,
Aliptaptap na lamang ang kumikislap,
Nasaan na ang kanilang kay tibay na tindig?
Kailan kaya sila muling mangangarap?
Gising, kabataan!
Huwag kang matutulog sa gitna ng gera,
Upang iyong isipan ay mapanatiling handa.
Huwag kang ring pipikit baka ‘yan ay tuluyang magsara,
Dahil iyong mga mata ang magsisilbing gabay ng bawat madla.
Kung kaya’t manatiling bukas,
Sa gaano man kahaba ang panahong lumipas,
Ano man ang paghihirap na dinanas,
Manatiling pantay at patas.
Kailangan mong magmulat, kabataan.
Para sa susunod na henerasyon,
Magpapatuloy ang labanan.
Pasan ang sibat ng talim ng bawat salita,
Upang maging tapat na mamamayan ng bansa.
Humanda, dahil parating na muli ang kabataan;
Ang tanging pag-asa ng ating bayan.
THE AUTHOR
A writer who’s somewhat grammatically conscious but the mind is constantly full of words that can’t seem to properly express.
Hi! I am Ma. Louiela Angela A. Mataac, the current Editor-in-Chief of UST Angelicum College Tigercubs. A sudden opportunity has been placed upon my hands, an opportunity I accepted sincerely. Through writing, I was able to discover my hidden skills, and develop my talent in poetry. It’s as if writing was a hidden treasure for me that was long-awaited to be found by its owner. Writing became my comfort, a way for me to express my unspoken thoughts and concealed feelings through colorful words.
It is a cliche but I am fond of reading, I like to think broadly and explore different things that would feed my curiosity. As a writer I mostly believe that it is important to listen in order to be heard, that is why I aim to be an instrument for people to emphasize their voice and opinions without misleading the readers.
This club, UST Angelicum College Tigercubs has brought out the best in me to be a proficient writer. Because of that, my goal is to also unleash the best of the writers and express their thoughts truthfully without hesitation.