[LITERARY] Bangon

USTAC Tigercubs
2 min readJan 21, 2021

--

ni Elara Aguilar

Ingat.

Paano makasisigurado na okay na?

Paano makasisigurado na may pag-asa pa?

Paano makasisigurado kung puro nalang ‘baka’?

Baka sa susunod, maayos na.

Baka bukas pwede na.

Baka ngayon may magbago na.

Hanggang kailan ka aasa sa mga salitang wala ‘man lang gawa?

Bakit hindi tayo magsimula?

Simulan na natin ang mga planong naglahong parang mga bula,

Tuparin na natin ang mga pangakong hindi nila nagawa,

Abutin na natin ang pagbabagong nagmimistulang mga tala na unti-unting nagbibigay liwanag sa madla,

Harapin na natin ang katotohanan na hindi sapat ang isa, kasi kailangan ng ‘tayo’ para sa bansa.

Kailan kaya?

Kapag tapos na ang laban, at hindi ka man lang tumaya o kapag nagising ka na pero ang pinaglalaban mo pa rin ay iba.

Para sakin, simulan mo na. Kasi tumatakbo ang oras at nahuhuli ka na.

Paalala, ingat, sa mga desisyong maaaring sambitin baka hindi ito para sa atin. Baka para sayo lang din.

ABOUT THE AUTHOR

Elara Aguilar

I am Elara A. Aguilar, but I’d prefer to be called Ela! I see myself as someone simple and free just like the poems I write.

I have been in the journalism club for three years and it has been a great experience for me because I can freely write and share my works with others.

I like to write poems about love — I don’t really know where I get my ideas or words from, but I do know that when I write something, people will have something to relate with from my poems.

-E.A.

--

--

USTAC Tigercubs
USTAC Tigercubs

Written by USTAC Tigercubs

The official school publication of the UST Angelicum College SHS Department. At the forefront of USTAC SHS’s publication and affairs. Vanguards of Truth.

No responses yet