[LITERARY] Bandila ng Kabataan

USTAC Tigercubs
2 min readMar 8, 2022

--

Isinulat ni Louiela Mataac

© Erica Valenzuela — Cartoonist

Sino ba ang kabataan?

Ang nagsisilbing boses ng lipunan,

Ang nagiging mata ng mga bulag sa katotohanan,

Ang nagiging tenga ng mga nagbibingi-bingihan,

Ang ating tulay patungo sa kaunlaran.

Sila ang kabataan.

Subalit, bakit ang kabataan?

Ang kasabihang “kabataan ang pag-asa ng bayan”

Tunay nga bang sila ang susi patungo sa kaunlaran?

Ano ba talaga ang layunin nila para sa masa?

Mayroon ba silang magagawa para sa bansa?

Sa kanilang mga kilos na puno ng prinsipyo,

Dala-dala ang nag-uumapaw na pag-asa para sa bawat Pilipino.

Kanilang mga isipan na napupuno ng kaalaman,

Bitbit ang mga salitang hindi mapapantayan nino man.

Kaya’t itaas ang ating bandera,

Iwagayway kasama ang respeto para sa madla

Halina’t sa kaunlaran tayo’y mag-mamartsa,

Kung saan ang kabataan ang ating magiging simula.

Aahon kasabay ng mga naglalakihang alon,

Mula sa lupa tayo’y muling babangon,

Kabataan ang maghihila sa mga paang nakabaon,

Kabataan ang bubuhay sa lipunang matagal nang pinatay ng panahon.

THE AUTHOR

Louiela Mataac

A writer who’s somewhat grammatically conscious but the mind is constantly full of words that can’t seem to properly express.

Hi! I am Ma. Louiela Angela A. Mataac, the current Editor-in-Chief of UST Angelicum College Tigercubs. A sudden opportunity has been placed upon my hands, an opportunity I accepted sincerely. Through writing, I was able to discover my hidden skills, and develop my talent in poetry. It’s as if writing was a hidden treasure for me that was long-awaited to be found by its owner. Writing became my comfort, a way for me to express my unspoken thoughts and concealed feelings through colorful words.

It is a cliche but I am fond of reading, I like to think broadly and explore different things that would feed my curiosity. As a writer I mostly believe that it is important to listen in order to be heard, that is why I aim to be an instrument for people to emphasize their voice and opinions without misleading the readers.

This club, UST Angelicum College Tigercubs has brought out the best in me to be a proficient writer. Because of that, my goal is to also unleash the best of the writers and express their thoughts truthfully without hesitation.

-L.M.

--

--

USTAC Tigercubs
USTAC Tigercubs

Written by USTAC Tigercubs

The official school publication of the UST Angelicum College SHS Department. At the forefront of USTAC SHS’s publication and affairs. Vanguards of Truth.