[LATHALAIN] We Cried a River, Now We Fight Back

USTAC Tigercubs
5 min readJan 18, 2021

--

ni Allana Mendoza

dura lex, sed lex.

“Malupit ang batas, ngunit ito ang batas.”

Sa mga nakalipas na administrasyon, noon man at ngayon, malinaw sa iilan kung paano tumatakbo o gumagana ang sistema ng hustisya sa ating bansa. Kung pagkukumparahin man ito noon sa ngayon, ay mas malupit ang mga pinapataw na parusa sa mga taong nahatulan noon. Ngunit paano nga ba nabago ito sa paglipas ng panahon?

Ang Commission on Human Rights ay mayroong tungkuling magsiyasat ukol sa mga paglabag sa karapatang pantao. Alinsunod dito ay mayroon ding mga mamamayang lumalaban at nagpoprotesta sa gobyerno para sa kanilang mga karapatan. Ang mga ito ay tinatawag na “aktibista” o “tibak.” Maraming mga grupo ng aktibista ang kilala sa ating bansa na karaniwang tinatawag ng gobyerno bilang terorista; na ang kanilang pagpoprotesta ay tanda ng terorismo…

Likha ni Francesca Pajares

Ngunit mali ito.

Ang mga aktibista ay naglalayong isaboses ang kanilang mga opinyon ukol sa mga panukala ng gobyernong nakaaapak sa karapatang pantao.

Dahil sa kamaliang ito, daan-daang mga Pilipino ang naaaresto dahil sa maling ideya ng mga kapulisan sa kanila. Isa sa mga halimbawa nito ay noong naaresto sa isang operasyon sa Tondo, Manila ang mga pinuno ng isang Human Rights Group na sina Carlo Bautista, Alma Estrada, at Reina Mae Nasino noong Nobyembre 5, 2019. Sila ay naaresto sa sinasabing pagmamay-ari ng mga baril at paputok. Iginiit ng mga kagrupo at abogado ng tatlo na ang mga ebidensyang nakuha ay pinagplanuhan ng mga kapulisan na itanim bago pa man mangyari ang nasabing raid. Sa panahon ding ito, buntis ang isa sa kanila: Si Reina. Ginugol nito ang kanyang pagbubuntis sa kulungan at isang beses lamang pinayagan na magkaroon ng medical check-up. Nakiusap ang kamag-anak ni Nasino na pakawalan na ito noong nasa huling kalahati na ng pagbubuntis ngunit tinanggihan ito ng korte.

Hulyo 1, 2020

Ipinanganak si River Emmanuelle Nasino. Ito ay isinilang nang mayroong mababang timbang at paninilaw sa balat. Isinaad ng mga abogado ni Nasino na ang kakulangan sa pangangalaga noong pinagbubuntis pa lamang ang naging rason nito. Nagkaroon din ng kahirapan sa pagbebreastfeed si Nasino at hindi nakakuha ng anumang tulong. Nagsumite ang panig ni Nasino ng mosyon sa korte na payagan itong ilipat sa ospital kasama ang kanyang anak na si River hanggang dumating ang ika-unang taon lamang nito.

Tinanggihan ito ng korte at nagsumite muli ang panig ni Nasino ng mosyon ukol dito.

Tinanggihan pa rin ito.

Oktubre 9, 2020

Ang tatlong-buwang gulang na si River ay binawian ng buhay dahil sa komplikasyon sa paghinga o pneumonia. Humingi ng tatlong araw na furlough si Nasino upang makapagpaalam sa kanyang anak ngunit pinalitan ng hukom ng Manila Regional Trial Court Branch 47 na si Paulino Gallegos ang furlough grant nito na mula tatlong araw, ay naging anim na oras na lamang sa pagdadahilang kulang ang mga bantay para sa tatlong araw na furlough. Hinati ang anim na oras sa dalawang araw — tatlong oras kada-araw sa Oktubre 14 at sa araw ng libing sa Oktubre 16.

Bago pa lamang makarating si Nasino sa burol ng kanyang anak sa Pandacan noong Oktubre 14 ay binantayan na ng mga pulis ang lugar. Pagkarating ni Nasino ay mahigit isang dosenang mga jail guards at mga pulis ang nakabantay rito. Naka Personal Protective Equipment o PPE at nakaposas si Reina Mae noong pinuntahan nito ang kabaong ng kanyang anak. Nakiusap ang panig ni Nasino na tanggalin ang posas nito dahil hindi ito makatayo nang maayos dahil dito. Pinayagan naman ito ng kapulisan ngunit tinanggal lamang ang isang gilid nito. Ayon sa desisyon ng korte ay bumalik na agad ito sa kulungan matapos ang tatlong oras.

Oktubre 16, 2020

Burol ng kanyang anak na si River, ang kotseng maghahatid sa pumanaw na sanggol ay pinagmadali ng mga bantay kung kaya’t napilitan ding humabol ang mga pamilya at taga-suporta ni Reina Mae. Nakiusap muli ang mga ito na tanggalin ang posas ni Nasino upang mahawakan nito sa huling pagkakataon ang kanyang anak ngunit tinanggihan ito ng mga bantay.

Ang pangyayaring ito ay hindi na bago sa paningin ng mga Pilipino.

Kung paano ipinagkait kay Nasino ang kanyang karapatan na alagaan ang kanyang anak at samahan ito hanggang sa huling mga sandali? Ito ay sumasalamin sa kung paano tratuhin ng batas ang mga walang kapangyarihang tulad natin; at tulad niya. Ang kasong ito at ang halos 646 na aktibistang kinulong sa bansa, na tulad din ng ibang mga bilanggo, ay nakararanas ng hindi makataong pagtrato sa bilangguan. Ito ay isa lamang lantad na ebidensyang naglalarawan sa brutal at walang-awang pamamalakad ng administrasyon; na kung saan ang batas ay malupit lamang sa mahihirap subalit maamo sa makapangyarihan.

Isang tanong: Tunay nga bang malupit ang batas?

o malupit lamang ito sa mga mahihirap?

Salus Populi est Suprema Lex.

ABOUT THE AUTHOR

Allana Mendoza

I am Allana Mendoza but I am more known as simply “Yanna.” I see myself as someone who is creative, disciplined, and adventurous.

I started writing poems when I was a kid and that became a hobby. I stopped writing when I tried focusing on my other interests. I came back to writing in high school and unexpectedly received awards in every essay writing contest. It took me a while to find the perfect writing style that would really fit in me and I am glad that I am currently working on it to be better. 9th grade came when I tried to join the journalism club as a photojournalist and I have never thought that my writing skills would have improved more since we attended several seminars. As of now, I still don’t know everything about writing but I am excited to explore more about it!

I am a night owl who prefers to work at night. Whenever I want to do something, I like to do it already because life’s too short to waste every single chance that you have so while you still can do it, do it now. I own a lot of dogs and since I was a kid, taking care of them became my comfort. I am currently supporting a non government organization that rescues stray animals.

-A.M.

--

--

USTAC Tigercubs
USTAC Tigercubs

Written by USTAC Tigercubs

The official school publication of the UST Angelicum College SHS Department. At the forefront of USTAC SHS’s publication and affairs. Vanguards of Truth.

No responses yet