[LATHALAIN] Conquering the Stage by Taking the Screen: Mr. and Ms. Senior High School 2021 Q & A
ni Bellicia De Guzman
Talas ng isipan, kabutihan ng puso, kumpiyansa, at kagitingan.
Ito ang ilan sa mga katangiang hinahanap sa isang karapat-dapat na magwawagi dahil ito ang nagsisilbing kapangyarihan na tinataglay ng mga kinikilala at pinaniniwalaan na diyos at diyosa ng bansang Pilipinas. Dati pa man, ang paligsahan ng Mr. and Ms. Senior High School ay isa sa talagang pinaka-inaaabangan at tinatangkilik na kompetisyon ng mga mag-aaral. Ngayong taon, muling sumabak ang labindalawang (12) mag-aaral upang kumatawan sa kani-kanilang mga koponan. Ngunit dahil sa pandemiya, ito ay magaganap lamang sa bertwal na paraan.
Mapatunayan kaya ng mga kalahok na sila ang karapat-dapat na magtagumpay at makoronahan bilang Mr. and Ms. Senior High School 2021?
Matinding pasiklaban ng kahusayan ng mga kandidato ang naganap noong umaga ng ika-10 ng Marso. Ito ang araw kung saan naganap ang isa sa mga pinaka-importanteng parte ng paligsahan: ang Question and Answer Portion. Dito masusubok ang kakayahan, kaalaman, at ang katatagan ng loob ng mga kalahok. Sa pangunguna ni Tommy Tuazon at Francheska Dela Cruz, ang bawat estudyanteng kalahok ay binigyan ng isang minuto para sagutin ang tanong ng hukom na tumapat sakanila gamit ang isang roleta. Kapag sila ay humigit sa isang minuto, tutunog ang isang buzzer na naghuhudyat ng pagkaubos ng oras na inilaan sa kanila.
Umikot ang mga mapaghamong tanong ng mga hukom sa mga kasalukuyang isyu, opinyon tungkol sa gobyerno, sa COVID-19 Pandemic, at iba pang mga laganap na problema at paksa sa ating henerasyon. Subalit, may isang tanong na pinakatumatak sa aking isipan.
“Do you think conducting virtual pageants, just like what we are doing right now is still relevant given our present situation? Why or Why not?”
Ito ang tanong ni Binibining Rhianne Macy Zapata sa pangpitong kalahok mula sa Team Apo Laki. Paniguradong marami ang napaisip kung bakit nga ba binigyang-daan pa rin ang mga pagdiriwang tulad ng ating Senior High School Week kung sa bertwal na paraan naman lamang ito maiseselebra.
“I believe that creating role models through these virtual pageants is especially important to show people what to do and what to take caution of during the pandemic and even with other issues”
Sagot ni Binibining Karina Melencio. Tuloy pa rin ang awit ng ating mga buhay kahit na matindi ang hagupit ng pandemiya. Gayunpaman, ang mga angking talento, kaalaman, at kakayahan ng mga kabataan ay dapat pa ring pagtibayin at palawakin maaaring sa iba’t ibang paraan tulad na rin ng pagkakaroon ng bertwal na paligsahan.
Lahat ng kalahok ay nagpakita ng nakamamanghang kumpiyansa sa sarili at nagpatunay na ang bawat isa ay may angking alindog. Dahil sa question and answer portion, hindi lamang ang mga kalahok ang nabigyan ng oportunidad upang maibahagi ang kanilang kaalaman at ipakitang gilas ang kanilang
talento. Nabigyan din ng pagkakataon ang ating mga hukom, guro, at mga estudyanteng manonood upang matuto at mabukas ang isipan sa mga bagong pananaw.
Sa kasalukuyan ay naitanghal na ang titulo sa dalawang kalahok na sigurado’t higit na naglalarawan ng mga katangian ng isang mahiwagang diyos at diyosa.
ABOUT THE AUTHOR
I am Bellicia Anne C. De Guzman and I am a News Writer for The USTAC Tigercubs. As a writer, I am straightforward, creative, diligent, and eager (in a good way.)
My interest in writing started when I was in Grade 7. I was very fascinated with writing novels, which is why I gave it a try and also ventured in writing opinion articles and song lyrics. When I was in 9th grade, I was able to join the journalism club and had been a News Writer and Editor at my previous school for 2 years, which I believe, honed my skills and love for journalism.
Ever since I was a kid, I loved to jot down my feelings in a small notebook and currently, I am into bullet journaling. I also love to collect colorful writing materials and also washi tapes and stickers for them to artistically represent my mood or emotions when I write it down. Music is one of the things that comfort me, and I really love collecting albums of various artists. I also enjoy making covers of the songs that get stuck in my head.