[LATHALAIN] Bagyong Rolly: Bihirang Lakas na may Malaking Bakas

USTAC Tigercubs
3 min readJan 18, 2021

--

ni Allana Mendoza

Signal no. 5

Tiyak ay bihira itong naririnig na babala sa mga balita ukol sa lakas ng bagyo sa bansa. Nakalaan lamang ito sa mga pambihirang hagupit ng bagyo na tiyak ay tatatak sa mga isipan at kasaysayan ng mamamayang Pilipino sa lawak ng pinsala nito. Rolly ang pangalan, idinagdag sa listahan. Noong mag landfall ito noong unang araw ng Nobyembre sa Catanduanes at Bicol, iyak at daing ng mga mamamayan ang maririnig dulot ng hagupit ng bagyong tumama sa bansa. Hindi lamang mga bahay at ari-arian ang nawala. Buhay, kamag-anak, mga minamahal na tao’t alaga ay hindi pinatawad ni Rolly. Lubos man itong napaghandaan ng karamihan, hindi pa rin nakalusot ang marami sa lakas ng bagyo. Umabot sa halos limang bilyon ang halaga ng mga ari-ariang tinangay at winasak ng bagyong Rolly.

Pero sa kabila ng mga pagkakataon kung saan hinahanap ng taong-bayan ang serbisyo at tulong ng gobyerno, nasaan nga ba nagtatago ang mga ito?

PANOORIN: Gaano nga ba kalakas ang Signal №5? ulat ng ABS-CBN News

Ilang mga kawani ng gobyerno tulad ng DPWH, PAGASA, AT DSWD ang tumulong sa mga mamamayan simula sa paglandfall hanggang sa pag-alis ng bagyong Rolly sa Philippine Area of Responsibility. Tinutukan ng PAGASA ang bawat galaw nito kung kaya’t nanatiling impormado ang lahat ukol sa mga pagbabago ng bagyo. Nang makaalis ito sa bansa ay agad namang rumesponde ang DPWH sa Albay upang bigyan ng pinansiyal na suporta ang lungsod na magiging badyet sa pagbibigay ng mga relief goods sa mga nasalanta.

Sa kabilang dako naman kung saan unang tumama ang bagyo, ang Catanduanes, na isa sa mga matinding tinamaan ng bagyong Rolly ay bumungad ang nagtumbahang mga puno, bahay, at poste ng kuryente sa mga residente dito. Ang mga opisyal ng Catanduanes ay nanghihingi ng tulong pinansyal sa gobyerno upang pondohan ang pagpapatayo muli ng mga nasirang mga imprastraktura at respondehan ang mga pangangailangan ng mga ito.

Noong ika-8 ng Nobyembre ay inalala rin ng sambayanang Pilipino ang ikapitong taon simula noong naganap ang pinakamalakas na bagyong sumira sa pamumuhay ng mga mamamayan ng Visayas: Ang bagyong Yolanda.

Hanggang ngayon ay bakas pa rin sa isipan ng mga nakaligtas sa bagyo ang trahedyang nangyari noon at humihingi pa rin sila ng suporta at hustisya mula sa gobyerno para sa mga biktima nito. Makikita sa nangyari kung paano kumilos ang gobyerno sa ganitong mga sitwasyon. Huwag nating iasa sa katatagan ng mga Pilipino kung paano sila makakabangon mula rito dahil obligasyon ng ating gobyerno na pagsilbihan ang mga tao at ibigay ang kanilang mga kinakailangan para muling makabangon mula sa sakunang ito.

ABOUT THE AUTHOR

Allana Mendoza

I am Allana Mendoza but my friends know me as “Yanna.” I see myself as someone who is creative, disciplined, and adventurous.

I started writing poems when I was a kid and that became a hobby. I stopped writing when I tried focusing on my other interests. I came back to writing in high school and unexpectedly received awards in every essay writing contest. It took me a while to find the perfect writing style that would really fit in me and I am glad that I am currently working on it to be better. 9th grade came when I tried to join the journalism club as a photojournalist and I have never thought that my writing skills would have improved more since we attended several seminars. As of now, I still don’t know everything about writing but I am excited to explore more about it!

I am a night owl who prefers to work at night. Whenever I want to do something, I like to do it already because life’s too short to waste every single chance that you have so while you still can do it, do it now. I own a lot of dogs and since I was a kid, taking care of them became my comfort. I am currently supporting a non government organization that rescues stray animals.

-A.M.

--

--

USTAC Tigercubs

The official school publication of the UST Angelicum College SHS Department. At the forefront of USTAC SHS’s publication and affairs. Vanguards of Truth.