[CHRISTMAS EDITORIAL MESSAGE] Noche Buena

USTAC Tigercubs
3 min readDec 3, 2021

--

Written by Louiela Mataac

“Tayo na giliw, magsalo na tayo. Mayro’n na tayong tinapay at keso. ‘Di ba Noche Buena sa gabing ito, at bukas ay araw ng pasko!”

— Noche Buena ni Marco Sison

Nakasanayan na nating mga Pilipino na bago pa man magsimula ang buwan ng Disyembre ay nagagawa na nating maghanda para sa bisperas ng pasko. Simula pa nga lang ng buwan ng Setyembre o ang tinatawag natin na first “ber”month, nagsisimula na tayong magtayo ng Christmas tree, mga palamuti sa ating tahanan — tulad na lamang ng mga parol at Christmas lights, at bumibili o naghahanda rin tayo ng mga pangregalo para sa ating mga minamahal. Ngunit, sa dinami-daming pagdiriwang sa buong taon at mga pista na ating sinasalubong. Ano ba ang pinagkaiba ng pasko sa lahat ng pagdiriwang at naging espesyal ito para sa karamihan ng tao? Ano nga ba ang tunay na kahalagahan nito para sa ating mga Pilipino?

Ang Noche Buena ay isang salitang Espanyol na nangangahulugang “Good night”, ngunit dahil sa mga nagdaang kasaysayan nagsilbi itong tradisyon ng mga Pilipino. Para sa atin, mahalaga ang pagkain, ‘yung tipong kung wala ito ay tila ba’y mayroong kakulangan sa isang pagdiriwang. Kung kaya’t narito ang Noche Buena upang bigyang importansya ang kagawian na ito. Sari-saring mga pagkain ang nakahain sa hapag na talaga namang inaabangan ng lahat. Ginagawa ito upang salubungin ang bisperas ng pasko, kung saan hindi lamang ito tumitigil sa mismong oras ng kainan, kundi, dito rin ginagawa ang pagbibigayan at pagbubukas ng mga regalo.

WATCH: Noche Buena Song| by Marco Sison — Topic via YouTube

Noche Buena — YouTube

Sa isang malamig na gabi, may mga batang nangangaroling, at mga taong nagsisiuwian mula sa kanilang dinaluhan na Simbang gabi, dala-dala ang kanilang mga bibingka, kutsinta, at ube halaya. Habang abala ang ina sa pagluluto ng mga pagkaing ihahain, tulad ng hamonado, lumpia, queso de bola, pansit na sinasabing pampahaba ng buhay, at syempre hindi mawawala ang tradisyonal na putahe nating mga Pilipino — ang dakilang ispagetti. Iilan lamang ito sa mga pagkaing inihahain, dahil ang Noche Buena ay isang tradisyonal na gawain ng mga Pilipino na nagsisimbolismo ng kahalagahan ng pasko. Ito ay ginagawa sa kultura natin upang magbigay ng ‘di malilimutang pakiramdam kasama ang ating pamilya at iba pang taong minamahal. Kaya naman, mahalagang lubusin ang simpleng pagsasalo-salo sa hapagkainan na tiyak akong mapupuno ng tawanan at mabubusog sa pagmamahalan.

Gayunpaman, para sa lahat ito ay oras upang mas bigyang halaga ang mga taong minamahal natin sa buhay. Tuwing bisperas ng pasko, o sa araw mismo ng pasko, mararamdaman natin ang pagkakaroon ng dalisay na kasiyahan. Kung saan ang pasko ay hindi lamang isang simpleng pagdiriwang. Ito ay araw ng kapanganakan ni Kristo na tiyak na tatak sa ating puso’t isipan. Sapagkat, ang paglalaan ng oras at pagbabahagi ng pagmamahalan sa bawat isa ay ang importante at tunay na sangkap para sa ating Noche Buena. Nawa’y salubungin nating lahat ang pasko nang may malawak na ngiti sa ating mga labi habang galak ang ating mga puso.

THE AUTHOR

Louiela Mataac

A writer who’s somewhat grammatically conscious but the mind is constantly full of words that can’t seem to properly express.

Hi! I am Ma. Louiela Angela A. Mataac, the current Editor-in-Chief of UST Angelicum College Tigercubs. A sudden opportunity has been placed upon my hands, an opportunity I accepted sincerely. Through writing, I was able to discover my hidden skills, and develop my talent in poetry. It’s as if writing was a hidden treasure for me that was long-awaited to be found by its owner. Writing became my comfort, a way for me to express my unspoken thoughts and concealed feelings through colorful words.

It is a cliche but I am fond of reading, I like to think broadly and explore different things that would feed my curiosity. As a writer I mostly believe that it is important to listen in order to be heard, that is why I aim to be an instrument for people to emphasize their voice and opinions without misleading the readers.

This club, UST Angelicum College Tigercubs has brought out the best in me to be a proficient writer. Because of that, my goal is to also unleash the best of the writers and express their thoughts truthfully without hesitation.

-L.M.

--

--

USTAC Tigercubs
USTAC Tigercubs

Written by USTAC Tigercubs

The official school publication of the UST Angelicum College SHS Department. At the forefront of USTAC SHS’s publication and affairs. Vanguards of Truth.

No responses yet